There was an error in this gadget

Tuesday, December 2, 2008

Puting Anino

PUTING ANINO
jamshuts
Music and Lyrics: Arnold N, Muñez


Pinilit kong limutin ka
Ilibing sa dilim ng gunita
Sinikap kong umiwas na
Sa liwanag ng ‘yong mga mata
Bakit hindi ko magawa
Naghahanap, nawawala, aha hah…

chorus

Habulin ang puting anino
Sa dulo ng pilak na buwan
Sundan saan man lumutang
Hawakan ng ‘sang daan

Dahil ‘di ko kayang mawala
Ang amoy ng aking paglaya
Sa mundo ng puting anino

Nag-aabang, naghihintay
Sa walang dulong paglalakbay
Nakatayo, nakaantabay
Sa pagtawid nitong tulay

Bakit hindi ko magawa
Ang paghakbang ng isang paa, aha hah…

Repeat chorus

‘wag na ‘wag kang lalayo, oho hoo(2X)

Habulin ang puting anino
Sa dulo ng pilak na buwan
Sundan saan man lumutang
Hawakan ng ‘sang daan

Habulin ang puting anino
Sa dulo ng pilak na buwan
Takpan ang bawat pintuan
Ng buwayang malaki ang t’yan
Dahil ‘di ko kayang mawala
Ang amoy ng aking paglaya
Sa mundo ng puting anino…

1 comment:

vj....... said...

xur pud ni sir?????pla amo grades???hope dagkooo>>>>>>>>>hehehehehehheheh